V-DAY: Inanimate Objects - Mula Kay Kape by Vianx Ocampo

6:30 PM


Inanimate Objects

by Vianx Ocampo
1SLP


Here are some of the things they should’ve said but couldn’t;
All the things they would have said if only they could.


Mula kay Kape


Salamat sa matatamis na umaga,

Na ako ang unang humahalik sa iyong labing mapula.

Ang nagpapangiti sa’yo matapos ang isang gabing pagpupuyat.

Ang nagliligpit sa iyong isipang magdamag na kalat-kalat.



Salamat sa masasayang hapon,

Na ako’y laging kasama sa bawat pagkakataon.

Kahit matapos na ang anim o higit pang oras ng pag-aaral,

Hinahanap-hanap pa rin aking pagmamahal.



Salamat sa mahahalagang gabi,

Na ako ang sumasalo sa mga problema mong kay dami.

Ako’y iyong yakapin nang puso mo’y huwag lamigin,

Laging alalahanin t’wing sumusulpot ang mga bitwuin.



Tila dugo na dumadaloy sa’yong katawan,

Pag-ibig ay aagos sa bawat araw na dumaan,

Pagsasamahang minsa’y matamis o kaya’t mapait,

Narito’t mananatili, pagmamahal na walang kapalit.

You Might Also Like

0 comments

Instagram