V-DAY: PizzaBHE
5:15 PM
Hindi man ito love letter, kwento naman ito ng "pag-ibig" sa ‘di inaasahang pagkakataon. We found "love" in a hopeless place, ika nga.
Wednesday, January 28, 2015, around 2am.
May kailangang gawin na paper for one of our classes. As usual, tinatamad akong gawin so nagprocrastinate ako at nag-decide ako na mag-Omegle. Wala lang, para may makausap at pampalipas oras. Nilagay ko ang "UST" at "UST400" under the interests. Ayun, connected na! You are now chatting with a random stranger on Omegle! You both like UST 400.
Girl ako and boy siya. Syempre, nag-start ako with small talk. Babaw pa nga ng pinag-usapan namin. Pizza vs bacon hahaha! Pinatulan naman niya yung kababawan ko. Di ko alam kung bakit -- siguro kasi bored ako or medyo bad trip ako kasi ilang araw na kaming ‘di nag-uusap ng crush ko, pero feeling ko ang gaan ng loob ko kay kuya stranger. Masaya siyang kausap kasi sinasakyan niya trip ko. Dala na rin siguro ng boredom kaya medyo inaasar ko siya at I subtly flirted na rin. Nagflirt back naman si kuya. Aaminin ko, medyo kinikilig ako kasi mahilig ako magbasa ng USTFiles. Baka ito na ang ka-sparks ko na Thomasian din! Huhuhu! NBSB pa naman ako at hopeless romantic.
Tinanong ako ni kuya kung ano college ko, sabi ko CRS. Nagulat siya kasi turns out, CRS din si kuya!! Sabi pa nga niya, "Destiny ito!!" HUHUHU baka ito na nga ang sparks moment na hinihintay ko for the 20 years of my existence!! Nag-isip na ako ng mga guys na nakikita ko sa hallway para ma-picture ko mukha niya habang nagd-daydream na ako na CRS couple kami. Chos! Hahaha! Tinanong ko siya ano program niya. SLP daw. OMG! Bagay na kung bagay! SLP din ako!! Meant to be talaga!!
Kinabahan si kuya noong malaman niya na SLP din ako. Sabagay, sino ba nga naman ang hindi kakabahan. Baka all this time, sa SLP GA and SLP events, nagkikita kami at nagkakausap. All this time, nandiyan lang pala siya at nandito lang din ako. 18 lang siya at ako naman ay 20 kaya freshman pa siguro si stranger. ‘Di naman ako masyado nakikipag-interact with other SLP batches. Omegle brought us together talaga :)
Pero wait... malaman-laman namin... PAREHO KAMI NG YEAR!!! @#$%! Nagstart na kaming mag-panic.
"JUSKO, I JUST FLIRTED WITH ONE OF MY BLOCKMATES!" sabi ni kuya sa chat.
Ang awkward nga naman kasi akala ko talaga may patutunguhan din ito kaya pa-flirt-flirt din ako. Kaso... may mas malalang twist.
Nung nagsimula kami ng guessing game kung sino kami... I found out na KATROPA KO PA PALA!! Anak ng @#$%^!! ‘Di talaga tayo talo! Tropa eh! Hahahaha! Kaya pala magaan loob ko sayo kasi magkaibigan talaga tayo in real life! Hindi pa rin niya alam kung sino ako. Hahahaha! Or baka alam niya but pinili niyang to pretend this never happened. Kahiya nga naman. Hahaha!
Sa mga nagbabasa nito, nako! Wag ninyo sabihin na i-push namin kasi WALA talaga. Hahaha! Awkward na kung awkward pero tawang-tawa ako sa turn of events.
To Bhe: HOY may pizza ka pang ililibre sa akin like you said sa chat! Ano na? Katuwaan lang na I shared our convo. Peace tayo ha? Lab u! hahahaha
-PizzaBHE and TropaBHE-
CRS- SLP 20x
0 comments